Wednesday, 29 July 2015

Grado ni PNoy sa SONA, umani ng batikos


Binigyan ng bagsak na grado ng kongresista ang ika-anim at huling SONA (State of the Nation Address) ni President Benigno "Noynoy" Aquino III noong ika-27 ng Hulyo na ginanap sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng kongresista ang kanilang mga pahayag patungkol sa mga himutok at mga salitang ginamit ni PNoy sa kanyang huling SONA. Isa sa mga tumuligsa ay ang BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza na nagsabing hindi katanggap-tanggap ang iniulat ng pangulo at sa hindi nito pagbanggit ng dapat ay pangunahing problema ng bansa tulad ng MRT/LRT.

Samantala, si Mayor Rodrigo Duterte rin ay naglabas ng sama ng loob sa hindi man lang pagpansin ni PNoy sa kaliwa't kanang krimen na nangyayari bagkus ay puro paninisi sa nakaraang administrasyong Arroyo.

Higit sa lahat, ang balak ni Vice President Jejomar Binay na kontra-SONA habang isinaad naman ni Presidential Spokeperson Edwin Lacierda na malaya si Binay kontrahin ang huling SONA.











No comments:

Post a Comment